Tuesday, May 20, 2008

Inciting to Sedition

Tatlong taon na rin pala yung kaso namin nila kasamang viray na "inciting to sedition"na hindi nalalayo sa kasong rebelyon.Tatlong taon na rin kaming naabala sa kasong ito na dahil lang sa isang poster ni GMA na valentina.Mula sa vandalism o simpleng City Ordinance lang ay napagtripan ng Fiscal na gawing sedition ang aming kaso.Sa tatlong taon na tinakbo ng kaso ay malaking abala lang talaga ang naging parusa agad sa amin.hehehe.Ibig sabihin kung mahahatulan kami ay bawas na sana ang tatlong taon na abala sa amin yun ay kung mahahatulan kami.

Kanina ay umaatend ako ng hearing kahit hindi ko kasama ang aking abogado na si Atty.Barry Gutierez dahil siya ay may sakit.Andun sana ako para ipareset sana ang hearing ng aming kaso pero kahit hindi ko pala gawin ay nareset na naman katulad nung last hearing namin nung Nov.2007 dahil sa wala ang judge.Kaya sa December 10,2008 na uli ang sunod na hearing na sakto na human rights day na sana ay ma-dismiss na ang aming kaso araw na iyon.Ibig lang sabihin kung hindi ma-dismiss sa dec 10 ay puwedeng maging apat na taon na ang kaso namin.haayyy buhay!!!

3 comments:

Anonymous said...

mabuti na yang ganyang kaso, tol. kesa naman "inciting to kunsumisyon" :D

mandirigmang katipunero said...

ok din kung inciting to seduction

Anonymous said...

hehehe... o kaya inciting to perdition :-)